PAARALAN
Ang paaralan ay isang lugar kung saan nag-aaral ang isang mag-aaral (student) hanggang matapos niya ang kailangang mga baitang upang makapagtapos ng Mababang Paaralan (Elementary School) at Mataas na Paaralan (High School o Secondary School).
May dalawang uri ng Paaralan; ang PRIBADO at PUBLIKO na paaralan. Ang PRIBADONG paaralan ay naaangkin ng isa o grupo ng mga tao. Ang publikong paaralan naman ay naaangkin (proyekto) ng gobyerno.